^

Police Metro

Bulacan buy-bust: P2.3 milyong shabu kumpiskado, 5 arestado

Omar Padilla - Pang-masa
Bulacan buy-bust: P2.3 milyong shabu kumpiskado, 5 arestado
Sa ulat ng Marilao Police nakumpiska mula sa mga suspek na sina Ruther Ijalo Morales alyas “Nonoy”, 34, mekaniko, residente ng Looban 1, Brgy. Loma De Gato at Richard Bangayan Bolo, 37, residente ng San Jose Heights, Brgy. Muzon, San Jose Del Monte ang halaga ng shabu na nasa P2.3-milyon.
The STAR/Joven Cagande

MANILA, Philippines — Lima katao ang arestado habang nasa tu­mataginting na P2.3-milyong halaga ng droga ang nakumpiska sa magkakahiwalay na drug-bust ope­ration sa Marilao, Bulacan, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Marilao Police nakumpiska mula sa mga suspek na sina Ruther Ijalo Morales alyas “Nonoy”, 34, mekaniko, residente ng Looban 1, Brgy. Loma De Gato at Richard Bangayan Bolo, 37, residente ng San Jose Heights, Brgy. Muzon, San Jose Del Monte ang halaga ng shabu na nasa P2.3-milyon.

Sa ulat, nasakote sina Noynoy at Richard dakong alas-10:30 ng gabi matapos makatanggap ang mga otoridad ng impormasyon sa ilegal na gawain ng dalawa.

Nakuha sa mga ito ang nasa 350 gramo na pinaghihinalaang shabu na may street value na P2.3-M, digital weighing scale, mga paraphernalia at buy-bust money.     

Samantala sa kasunod na operasyon ay nasakote naman ang tatlo pang suspek na sina Norman Acibar Guevarra, alyas “Oman”, residente ng Abangan Sur; Emmanuel Pena Lopez alyas “Weng”, residente ng Poblacion 2, at Diego Valdez Mendoza, residente ng Abangan Sur.

Hindi na rin nakapalag ang mga ito nang arestuhin matapos kumagat sa bitag ng mga otoridad.

Nakumpiska mula sa tatlo ang hindi pa matukoy na halaga ng shabu at buy-bust money.

Inihahanda na ng kapulisan ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa limang drug suspek na kasalukuyang nasa kustodiya ng Marilao Police.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with