^

Police Metro

Abogado patay sa ambush

Joy Cantos - Pang-masa
Abogado patay sa ambush
Ayon sa opisyal pinaputukan ng sunud-sunod ng mga salarin ang sasakyan ng biktima kung saan napuruhan ang target na abogado. Agad tumakas ang mga suspek patungo sa hindi pa malamang destinasyon.
Photo courtesy of Katriel Serion

MANILA, Philippines — Isang abogado ang na­sawi habang nasa malubhang kalagayan ang misis nito nang tamba­ngan ng armadong riding-in-tandem habang sakay ng kanilang sports utility vehicle (SUV) na galing sa isang court hearing sa highway ng Brgy. Poblacion, Guihulngan City, Negros Oriental nitong Martes ng hapon.

Kinilala ang nasawing biktima na si Atty. Anthony Trinidad, 54 anyos.

Isinugod naman sa pa­­gamutan sa Dumaguete City ang sugatan nitong misis na si Novie Marie, 53.

Sa inisyal na ulat, ka­salukuyang lulan ng SUV ang mag-asawa galing sa paglilitis ng korte sa La Libertad nang tambangan ng mga suspek pagsapit sa Sitio Look, Brgy. Pob­lacion ng lungsod pasado alas-3:00 ng hapon.

Ayon sa opisyal pinaputukan ng sunud-sunod ng mga salarin ang sasakyan ng biktima kung saan napuruhan ang target na abogado. Agad tumakas ang mga suspek patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Patuloy ang imbestigas­yon sa kasong ito kung saan kabilang sa sinisilip na anggulo ay may kinalaman ito sa trabaho ng bik­tima at ikalawa ay posibleng sa communist insu­rgency sa Negros Oriental.

vuukle comment

ANTHONY TRINIDAD

RIDING-IN-TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with