^

Police Metro

2 tomador dedo sa chaser na formalin

Raymund Catindig - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakauwi pa ng bahay ang dalawang lalaki bago nalagutan ng hini­nga matapos makainom ng formalin na inakala nilang tubig sa kanilang pag-iinuman kamakalawa matapos malason sa kabundukan ng Mt. Sikapo sa Calanasan, Apayao kamakalawa.

 

Kinilala ni Insp. Allan Mangiwet, hepe ng Calanasan PNP ang mga nasawi na sina Basilio Bataan, 53, isang CAFGU at Garciano Lagitnay, 62 na kapwa taga Brgy. Butaw ng nasabing bayan.

Sa ulat, lasing na  umano ang dalawang biktima at napagkamalan na tubig ang kanilang tinunggang “chaser” habang nag-iinuman kasama ang iba pang manga-ngaso sa bundok.

Nabatid na kaya may formalin sa lugar ay  ginagamit ito ng mga manga­ngaso na pang preserba ng mga napatay nilang hayop upang hindi mabulok ang karne hanggang makauwi sila sa kaba-yanan.

Kahit agaw-buhay ay nagawa pa ng mga biktimang makauwi at ikuwento sa kanilang pamil­ya ang nangyari at ilang sandali ay namatay na ang mga ito.

vuukle comment

DEAD

FORMALIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with