^

Police Metro

4 tulak-droga dedo sa buy bust

Joy Cantos, Cristina Timbang, Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Apat na lalaki na umanoy mga drug pusher ang napatay sa magkakahiwalay na drug buy bust operation sa Maynila, Cavite at Laguna.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang drug suspek na si Jomari Rosaroso, alyas Bembol, nasa hustong gulang at residente ng LRC Compound, CM Recto, Sta.Cruz, Maynila.

Sa ulat, dakong alas-6:35 ng gabi ay nagsagawa ng buy bust operation ang MPD-Station 3 laban sa suspek na kung saan ay nanlaban umano ito at napatay ng mga pulis sa ilalim ng Quezon Bridge, C. Palanca St., tabi ng Quinta Market.

Sa Brgy. Salawag, Dasmarinas, Cavite ay napatay din dakong alas-11:30 ng gabi ang suspek na si Arnel D, Pakingan, nasa hustong gulang ng Blk. 34 Golden City Dasma 3 nang ito ay manlaban sa pulis na aaresto sa kanya sa buy bust operation.

Narekober sa suspek ang 2 basyo ng bala ng di pa malamang kalibre ng baril, 1 unit ng pistol  na may mga bala, 2 magazine na may lamang  mga bala; 11 transparent sachet na shabu; at paraphernalias.

Dalawa naman na notoryus na drug pusher ang napatay ng mga otoridad sa Purok 7, Brgy. Parian, Calamba City, Laguna kamakalawa ng alas-9:30 ng gabi.

Kinilala ang isa sa mga napatay na suspek  sa alyas na Jon Jon /Tubo habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng kasamahan nito.

Si Jonjon  ay nasa drug watch list, carnapper at tulak ng droga sa kanilang lugar sa nasabing lugar.

Nabatid na habang isinasagawa ang transaksyon ay nakatunog ang isa sa mga suspek na pulis ang kanilang ka-deal.

Agad bumunot ng baril at pinaputukan ang mga ope­ratiba na nauwi sa shootout ng magkabilang panig na kung saan ay napatay ang dalawang suspek.

Nakumpiska ng mga otoridad ang dalawang cal. 38 revolver, siyam na plastic sachet ng shabu  na tumitimbang ng 2.5 gramo na nagkakahalaga ng P15,000.00; P1,000 marked money.

vuukle comment

JOMARI ROSAROSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with