Tserman pinabulagta sa session hall
Francis Elevado (Pang-masa) - August 8, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines - Mismong sa harap ng kanyang mga kagawad pinagbabaril ang isang barangay chairman habang nagse-session, naganap kamakalawa sa Brgy. Nakalaya, Jose Panganiban, Camarines Norte.

Ang biktima na namatay noon din ay kinila­lang si  Brgy. Chairman Froilan Maquiniana, 47.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-10:10 ng umaga ay nasa kalagitnaan ng session ang mga kagawad at ang biktima nang pumasok ang limang armadong kalalakihan na pawang mga nakasuot ng uniporme ng sundalo at agad na hinanap ang biktima.

Sumigaw pa ang mga ito na huwag matakot ang mga nandoon dahil ang kapitan lang ang kanilang pakay.

Nang magpakilala ang biktima  ay agad itong nilapitan at  pinagbabaril na agad nitong ikinamatay.

Matapos ang pamamaslang ay mabilis na tumakas patungong bulubunduking lugar ng Brgy.San Rafael ang mga suspek.

Inaalam pa ng mga otoridad kung ang mga suspek ay mga miyembro ng New Peoples Army at motibo ng pamamaslang.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with