^

Police Metro

Pamilya, 5 tinodas ng mga adik

Joy Cantos - Pang-masa
Pamilya, 5 tinodas ng mga adik

Ang limang miyembro ng pamilya sa San Jose del Monte City, Bulacan na pinatay ng adik. Boy Santos

2 ginang ginahasa pa...

MANILA, Philippines - Limang miyembro ng isang pamilya ang pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng mga lalaki na bangag sa droga na kung saan ginahasa pa ang dalawang ginang naganap kahapon sa Brgy. Sto. Cristo, San Jose del Monte City, Bulacan.

Kinilala ang mga nasawing sina Auring Dizon, 53; Estrella Dizon, 35; at mga anak nitong sina Donnie Carlos Dizon, 11; Ella Dizon, 7 at Dexter Carlos Dizon Jr., 1-anyos.Ang mag-inang Auring at Estrella ay kapwa hubo’t hubad.

Batay sa ulat, dakong alas-9:45 ng umaga nang madiskubre ang  pag-masaker sa mga biktima sa loob ng  inuupahang apartment na matatagpuan sa Block 1, Lot 8, North Ridge, Brgy. Sto. Cristo.

Ang krimen ay nadiskubre matapos na umuwi sa kanilang apartment ang padre pamilya na si Dexter Carlos Dizon Sr., isang security guard  na nagtaka umano kung bakit tumatawag siya sa may gate ay wala ni isang nagbubukas sa kaniya gayong tanghali na at matindi na ang sikat ng araw.

Sa pahayag ng padre de pamilya walang nagbukas sa kaniya kaya’t pinilit niya na makapasok sa loob ng bahay at dito na tumambad sa kaniya ang bangkay ng kaniyang pamilya kung saan kapwa walang saplot ang kaniyang ina at misis na si Estrella na hinihinalang ginahasa pa ng mga salarin.

Sa kasalukuyan, blangko pa rin ang mga otoridad sa pagkakakilanlan sa mga suspek na hinihinalang mga bangag sa droga dahilan sa tindi ng krimen na ginawa na maging ang 1 anyos na sanggol na anak ng ginang ay nagawa pang paslangin.

Wala namang nakitang palatandaan ang Scene of the Crime Ope­ratives (SOCO) team na nagresponde sa lugar nang puwersahang pagpasok sa bahay ng pa­milya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with