^

Police Metro

Kampo ng NPA, nakubkob ng militar

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakubkob ng militar ang kampo ng New People’s Army (NPA) sa bisinidad ng Mahayahay, Brgy. Ma­naga, Bansalan, Davao del Sur kahapon ng tanghali.

Batay sa ulat ni Lt. Col. Harold Argamosa, ang Commanding Officer ng 39th, Philippine Army na nagsasagawa ng combat operation dakong alas-11:00 ng umaga ang tropa ng militar nang makasagupa ang nasa 30 armadong kalalakihan sa ilalim ng Southern Mindanao Regional Committee.

Mahigit sa isang oras nagpalitan ng putok ang magkabilang panig na kung saan ay pinaulanan ng dalawang helicopter ng rockets ang mga kalaban.

Sa isinagawang clearing operation sa lugar ay narekober sa kampo ng mga rebeldeng NPA ang isang M16 Rifle, 1 IED, 2 Cell phone, 2 backpacks at mga assorted medical paraphernalia.

Ang nakubkob na kampo ng NPA ay kayang maka-accommodate  ng 80 katao na may 40 temporaryong mga tents at isang nipa hut.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with