^

Police Metro

2,000 jaywalkers huli ng MMDA

Lordeth B. Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mahigit sa 2,000 mga pasa­way na pedestrians ang nahuli ng Metropolitan Manila Deve­lopment Authority (MMDA) matapos lumabag ang mga ito sa anti-jaywalking.

Sa datus ng MMDA’s Anti-Jaywalking Unit, umabot sa 2,211 jaywalkers ang kanilang nahuli simula noong Enero 1 hanggang Pebrero 14 ng taong kasalukuyan.

Nabatid na naayos na ng 388 violators ang kanilang kaso matapos silang magbayad ng multa na halagang P500 at ang 1,823 ay hindi pa nakakabayad ng multa kung kaya’t nakabinbin ito sa ahensiya, na posibleng  magiging case record nila ito.

Sakaling hindi makapagbayad ng multang P500, ang mga violator, maaaring magsagawa sila  ng tatlong oras na community service, na ini-schedule tuwing  huling Biyernes ng buwan. Nang sa gayon ay ma-settled nila ang kanilang naging paglabag.

Kahapon ay mariing pinaalalahanan ng MMDA ang lahat ng tsuper, na huwag magbaba at huwag magsasakay ng mga pasahero sa mga lugar na hindi designated na loading at unloa­ding area.

Maging ang mga mananakay ay pinaalalahanan din ng ahensiya na huwag bababa at sasakay sa mga area na hindi loading at unloading.

Dahil maging tsuper at mananakay ay huhulihin ng MMDA at papatawan ng violation.

Sinabi ng MMDA, na hindi lamang mga motorista o mga driver ang didisiplinahin maging ang mga pedestrian din.

 “This bad habit can cause danger not only to themselves but also to others.  Passengers should learn to obey traffic rules and orderly line up to get on and get off PUVs at designated loa­ding and unloading bays”, ayon kay MMDA General Manager Tim Orbos.

Maglalagay din ang MMDA ng bus na magiging “mobile class room”, para mag-lecture sa mga violator na may kaugnayan sa road safety and traffic signs.

vuukle comment

METROPOLITAN MANILA DEVE­LOPMENT AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with