^

Police Metro

Sa pamemeke ng time cards... lady doctor kulong ng 114 taon

Angie dela Cruz - Pang-masa
Sa pamemeke ng time cards... lady doctor kulong ng 114 taon

Ang akusado ay kini­lalang si Dr. Rosalinda Benitez-full-time Medical Officer IV sa Manila Health Department at part-time Medical Specialist II sa Fabella Hospital ay hinatulan ng Manila RTC na makulong ng 6 na taon sa bawat isa sa kanyang 19  counts ng kasong falsification. File photo

MANILA, Philippines - Isang babaeng doktor ang posibleng sa kulungan na mamatay matapos mahatulan na mabilanggo ng 114 taon nang mapatunayang nagkasala sa kasong pamemeke ng time cards.

Ang akusado ay kini­lalang si Dr. Rosalinda Benitez-full-time Medical Officer IV sa Manila Health Department at part-time Medical Specialist II sa Fabella Hospital ay hinatulan ng Manila RTC na makulong ng 6 na taon sa bawat isa sa kanyang 19  counts ng kasong falsification.

Naiprisinta ng Ombudsman prosecutors ang  mga ebidensiyang Daily Time Records (DTRs) na pineke ni Benitez mula August 2003 hanggang  February 2005.

Naipakita din ng Ombudsman prosecutors ang ebidensiya na sa pagi­ging full-time Medical Officer IV ni Benitez sa Manila Health Department at part-time Medical Specialist II sa Fabella Hospital ay tumatanggap ito ng sahod mula sa dalawang posisyon at allowances.

 Ayon sa Ombudsman, pineke ni Benitez ang kanyang DTRs sa Fabella Hospital at Manila Health Department para ipakitang siya ay nagtrabaho sa dalawang puwesto mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali araw araw.

Hindi naman naipaliwanag ng husto ni Benitez sa korte kung paano siya nagta trabaho sa dalawang posisyon kahit na ang dalawang lugar ay magkakalapit lamang.

“The holding of two government positions in the government is expressly prohibited by law and the accused in this case concealed and did not declare her simultaneous government employment with conflicting work schedule,” nakasaad sa desisyon.

Bukod sa kulong, pinag­mumulta din si Dr. Benitez ng halagang P38,000 dahil sa kanyang kaso.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with