^

Police Metro

Opisyal ng BIR todas sa tandem

Joy Cantos, Ricky ­Tulipat - Pang-masa
Opisyal ng BIR todas sa tandem
Dead-on-the-spot ang isang director ng Bureau of Internal Revenue sa Makati City habang sugatan ang kasama nito makaraang sila ay pagbabarilin ng riding-in-tandem criminals ang sinasakyan nila kahapon ng umaga sa Katipunan Avenue, Quezon City.
UNTV YOUTUBE PHOTO

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang director ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Makati City habang sugatan ang kasama nito makaraang sila ay pagbabarilin ng riding-in-tandem criminals ang sinasakyan nila kahapon ng umaga sa Katipunan Avenue, Quezon City.

Ang nasawi ay kinila­lang si Jonas Amora, 55, Regional Director ng BIR Makati at residente ng no. 3 Baker St., Filinvest East, Antipolo City. Habang ang sugatan namang kasama nito ay nakilalang si Angelo Pineda, ng Masikap St., Brgy. Pinyahan, QC.

Batay sa ulat, bago nangyari ang pananambang sa mga biktima dakong alas-5:02 ng umaga sa kahabaan ng C5 Katipunan Avenue, kanto ng Topside Road, Libis St., Barangay Escopa ay sakay ang mga biktima ng Toyota Innova (EBZ-502) nang ito ay sundan ng mga suspek na sakay ng motorsiklo at nang makalapit ay pinagbabaril ang mga biktima.

Narekober sa lugar ang 10 basyo ng bala mula sa kalibre .9mm, mga tingga, bullet jacket at lead core, gayundin ang isang bag pack na naglalaman ng brown envelop at tatlong bugkos ng pera na nagkakahalaga ng P366,750, at mga IDs.

Samantala, paiim­bestigahan ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Ronald “Bato”  dela Rosa ang dalawang insidente ng pananambang at pagkakapatay kina Bureau of Customs Deputy Commissioner Arturo Lachica noong Huwebes ng gabi sa Maynila at kay Amora sa Quezon City kahapon.

Inihayag ni Dela Rosa na gagawin lahat ng PNP ang makakaya nito upang matiyak na hindi na muli pang mauulit ang insidente.

vuukle comment

BIR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with