^

Police Metro

DLSU coed tumalon mula sa ika-20 palapag ng iskul

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Natagpuang patay ang isang 19-anyos na dala­gang estudyante ng De La Salle University matapos itong mahulog mula sa ika-20 palapag ng gusali ng kanilang eskwelahan kamakalawa ng hapon sa Malate, Maynila.

Basag ang bungo at putol ang braso  nang matagpuan ang bangkay ng biktimang si Erika Dimaano, psychology student at residente ng Block 10, Lot 6, Phase 3, Adelina Homes, Barangay San Carlos, Lipa City, Batangas.

Batay sa ulat, nadiskubre ang bangkay ng biktima dakong alas-5:20 ng hapon sa fire exit stairway sa ground floor ng Brother Andrew Gonzalez Building sa DLSU-Manila, na matatagpuan sa Taft Avenue sa Malate.

Sa salaysay ng isang Warren  Justin Ng  at  security guard na si Alex Marcelo ay nakarinig sila na malakas na kalabog sa nasabing lugar kaya’t  tinungo nila ito at  nadiskubre ang walang buhay na biktima sa hagdan ng fire exit na nasa ika-3 palapag na may dalang backpack at iba pang mga gamit.

Hinala naman ng pulisya na aksidente ang nangyari ngunit iniim­bestigahan pa rin nila kung posibleng nag-suicide ito matapos na makadiskubre ng mga maliliit na papel na may mga nakasulat na quotes at mga tula, na may kinalaman hinggil sa buhay at kamatayan.

Humingi na rin ang mga pulis ng kopya ng mga closed circuit television  footage ng unibersidad upang makita kung paano naganap ang insidente. Nabatid na consistent scholar mula sa ele­mentarya hanggang high school ang biktima.

vuukle comment

DLSU COED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with