^

Police Metro

Pero walang kinalaman ang gobyerno... Duterte inamin ang EJK

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa harap ng Filipino community sa Brunei ay inamin ni Pangulong Rod­rigo Duterte na totoo ang extrajudicial killings, subalit walang kinalaman dito ang gobyerno.

Itinanggi ni Pangulong Duterte sa Filipino community sa Indoor Stadium ng Hassanal Bolkiah National Sports complex sa Bandar Seri Bagawan, Brunei na siya ang nag-utos sa EJK sa gitna ng giyera kontra illegal drugs sa Pilipinas.

“Alam mo, huwag tayo magbolahan, ‘yung iba talaga diyan pinatay talaga -- salvage. ‘Yan ang tinatawag na salvage o extra-judicial killing. I will not say there was none, meron,” wika pa ni Duterte.

“Pero kung sabihin mo na state-sponsored killing, order ko na patayin ‘yan, kalokohan ‘yan,” dagdag pa ng Pangulong Duterte sa may 6,000 na Filipino na nakipagkita sa kanya sa Brunei.

Inimbitahan na mismo ni Duterte si UN Special Rapporteur Agnes Callamard na magtungo sa Pilipinas upang magsagawa ng imbestigasyon sa nagaganap na EJK.

Nakipagkita kahapon si Pangulong Duterte kay Sultan Bolkiah sa IstanaNurul Iman presidential pa­lace upang palakasin ang ugnayan ng Pilipinas at Brunei.

Binigyan ng state dinner ni Sultan Bolkiah si Duterte. Mula sa Brunei ay didiretso naman si Duterte sa Beijing para sa kanyang state visit.

 

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with