Pacquiao inendorso si Cayetano sa Senate presidency
MANILA, Philippines - Inendorso ni incoming Senator Manny Pacquiao si Senator Alan Peter Cayetano na maging susunod na lider ng Senado kaya’t isang resolution ang pinirmahan nito sa harap mismo ni President elect Rody Duterte noong nakaraang Sabado.
Ito ay sa kabila ng naunang pahayag ni Duterte na wala siyang lantarang inendorso sa nasabing posisyon dahil naniniwala ito sa pagiging independent ng Kongreso.
Hindi naman ipinamahagi sa media ang nasabing resolution, subalit may ilang reporter ang nakakuha nito kung saan nakasaad ang: “The Senate of the Philippines expresses its confidence and support in the leadership of Senator Alan Peter S. Cayetano, whom we believe will fulfill the legislative agenda of the new administration... Now, therefore, be it resolved, Senator Alan Peter S. Cayetano assumes the Senate Presidency in the 17th Congress of the Republic of the Philippines,” nakasaad sa resolution.
Sinabi naman ni Cayetano na hindi niya hihingin kay Duterte na iendorso siya o sinuman sa liderato ng Senado sa halip ay nais lamang umano nitong pagtuunan ay kung paano masusuportahan ang bagong pangulo sa kanyang mga legislative agenda.
- Latest