5 NPA rebs sumuko
Ricky ­Tulipat (Pang-masa) - December 27, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Limang rebeldeng New People’s Army (NPA) na sinamantala ang unilateral ceasefire ng pamahalaan ang nagpasyang sumuko sa 10th Infantry Division ng Phil. Army sa Compostela Valley, bago ang pagdiriwang ng Pasko.

Ito ang ipinahayag ni Capt. Rhyan Batchar, hepe ng public affairs office ng 10th Infantry Division kung saan kinilala ang team lider ng NPA Guerilla Front 20 na alyas Jerwin kung saan isinuko rin  nito ang isang cal.45 pistol at dalawang granada.

Sumuko rin sina alyas Dave, 22; at alyas Reyboy, 23, ng Guerilla Front 71 kung saan nagsuko ng dalawang cal.38 revolver sa tropa ng 73rd Infantry Battalion habang sina alyas Javier ng NPA’s SECOM 15; at alyas Soy ng  SECOM 18 ay sumuko rin sa militar.

Nagdesisyong sumuko ang mga rebelde habang ipinapatupad ng pamahalaan ang suspension of offensive military operations (SOMO) simula Dec. 23 hanggang Enero 3, 2016 ng hatinggabi.

ANG CAPT COMPOSTELA VALLEY ENERO GUERILLA FRONT INFANTRY BATTALION INFANTRY DIVISION ITO JAVIER NEW PEOPLE RHYAN BATCHAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with