^

SWAT police itinumba

Mer Layson (Pang-masa) - September 16, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Dead-on-the-spot ang isang pulis na nakatalaga sa Special Weapons and Tactic (SWAT) ng Mandaluyong Police Station   makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikila­lang suspek kahapon ng madaling araw Mandaluyong City.

Ang nasawing biktima dahil sa tatlong tama ng bala sa batok at iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si PO1 Carlito Reguiere, 37, may-asawa, nakatira sa 74 Lanzones St., Block 37, Welferville Compound sa lungsod.

Sa imbestigasyon, dakong ala-1:45 ng madaling araw sa Block 40, Brgy. Addition Hills ay galing ang biktima sa Muslim area at pasakay na sa kanyang motorsiklo na may plakang VU-3061 nang sumulpot ang isang lalaki at pagbabarilin nang malapitan ang biktima.

Malaki ang hinala ng misis ng biktima na si Josephine na may kinalaman sa trabaho ng kanyang mister ang ginawang pamamaslang dito.

 

ACIRC ADDITION HILLS ANG BRGY CARLITO REGUIERE LANZONES ST. MANDALUYONG CITY MANDALUYONG POLICE STATION NBSP SPECIAL WEAPONS AND TACTIC WELFERVILLE COMPOUND
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with