^

Police Metro

Makulit todas sa Philippine Army reservist

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines – Binaril at napatay ng isang Philippine Army reservist ang isang 47-anyos na lalaki na nangungulit at nangangantiyaw sa kanya sa hindi pagputok ng baril nito kahapon ng madaling araw sa Sampaloc, Maynila.

Namatay noon din dahil sa apat na tama ng bala sa iba’t ibang  bahagi ng  katawan ang biktimang si Rodolfo Barbosa Jr. alyas RJ, residente ng M. Dela Fuente St., Sampaloc, Maynila

Agad naaresto ang suspek na nakakulong na nga­yon na si Rony  Belezario, 43, PA Reservist, binata, kapitbahay ng biktima.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen  pasado alas-4:10 ng madaling araw sa kanto  ng Arevalo at M. Dela Fuente Sts., sa nasabing lugar ay kinukulit umano at kinakantiyawan ng biktima ang suspek tungkol sa dala nitong baril na  umano ay hindi pumuputok.

Sa sobrang pikon ng suspek ay binaril nito nang sunod-sunod ang biktima na nasaksihan ng isang 12-anyos na lalaki na bumibili  ng pandesal.

Noong una aniya ay hindi niya pinansin ang putok ng baril ngunit nang sundan pa ito ng ikalawang putok ay kanya ng sinilip ang pinagmumulan.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AREVALO

BATAY

BELEZARIO

DELA FUENTE ST.

DELA FUENTE STS

MAYNILA

NBSP

PHILIPPINE ARMY

RODOLFO BARBOSA JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with