^

Ama sinaksak ang anak, kritikal

Joy Cantos (Pang-masa) - December 27, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Sa halip na magandang aginaldo, pananaksak ang iniregalo ng isang 63-anyos na ama sa kaniyang anak na lalaki dahil sa pagtatalo sa mismong araw ng Pasko sa Brgy. Punta, Dipolog City, Zamboanga del Norte.

Si Atilano Gumahad Jr. ay  nasa kritikal na kondisyon ngayon sa Zamboanga del Norte Medical Center matapos na lumuwa ang bituka sanhi ng mga tinamong malalim na saksak sa kaniyang tiyan habang ina­resto naman ang suspek na si Atilano Gumahad Sr.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 9, naganap ang insidente sa tahanan ng mag-ama sa Brgy. Punta, Dipolog City dakong alas-3:30 ng hapon nitong araw ng Pasko.

Ayon sa imbestigasyon, nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng mag-ama na nauwi sa pananaksak ng matanda sa sarili nitong anak kung saan mabilis naman na rumisponde ang Emergency Rescue 117 ng pamahalaang lungsod at agad na dinala sa ospital ang biktima.

Kasalukuyan na nga­yong humihimas ng rehas na bakal ang matanda  na nahaharap sa kasong kri­minal.

ATILANO GUMAHAD SR. BRGY DIPOLOG CITY EMERGENCY RESCUE NORTE MEDICAL CENTER PASKO POLICE REGIONAL OFFICE SI ATILANO GUMAHAD JR. ZAMBOANGA
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with