^

Police Metro

Jeep sumalpok sa barandilya: 3 dedo, 28 sugatan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Patay ang tatlo katao habang 28 pa ang nasugatan nang aksidenteng sumalpok sa konkretong barandilya sa tabi ng  highway ang isang pampasaherong jeepney sa San Fernando City, La Union kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Evangeline Arizobal, 34 anyos; Loren Mayo, 43; pawang dead on the spot at Helen Salcedo, dead on arrival naman sa Ilocos Training Regional and Medical Center (ITRMC), habang nilalapatan naman ng lunas sa Bethany Hospital at ITRMC ang 28 nasugatang biktima kabilang dito ang 27 pasahero at ang driver na si Eugene Marquez, 33-anyos.

Naganap ang insidente dakong alas-7:45 sa bahagi ng Horse Shoe road, Brgy. Pias ng lungsod na ito at patungong San Fernando proper ang nasabing jeep (AVW-217) na minamaneho ni Marquez ng biglang mawalan ito ng kontrol at preno habang nasa pakurbadang kalsada.

Bunga nito ay sumal­pok sa konkretong barandilya sa tabi ng highway ang jeep na tumaob at naipit pa sa bakal ang dalawang biktima na sina Arizobal at Mayo.

Samantalang nagkaroon rin ng landslide sa nasabing lugar noong linggo ng gabi sanhi ng pagbuhos ng malalakas na ulan dulot ng pagbayo ng bagyong Luis sa Northern Luzon. Iniimbestigahan pa rin ang nasabing insidente.

 

vuukle comment

BETHANY HOSPITAL

EUGENE MARQUEZ

EVANGELINE ARIZOBAL

HELEN SALCEDO

HORSE SHOE

ILOCOS TRAINING REGIONAL AND MEDICAL CENTER

LA UNION

LOREN MAYO

NORTHERN LUZON

SAN FERNANDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with