^

Police Metro

Mister na may colon cancer, nagpakamatay

Ludy Bermudo, Patrick Roy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinapos na ng isang 35-anyos na lalaki ang kanyang buhay dahil sa hindi umano makayanang sakit na colon cancer kung kaya’t sinaksak nito ang dibdib at naghiwa pa ng pulso sa loob ng inuupahang silid sa Ermita, Maynila kamakalawa.

Ang biktima na idineklarang dead on arri­val sa ospital ay kinilalang si Franz Xavier Bustillo, binata, empleyado ng Solaire Hotel at may 7 taon na nanirahan sa Pacific Pallacide Condominium na matatagpuan sa Maria Orosa St., Ermita, Manila.

Batay sa ulat, bago nangyari ang pagpapakamatay ng biktima ay inihatid pa ito ng kaibigang si Harry Ong  sa kaniyang silid sa Room 908.

Nagawa pa umano nitong makipag-text sa kaniyang kapatid na si E­rish Marie Claire Bustillo simula alas -10:43 ng umaga hanggang alas-11:04 ng umaga  at nasabi ng biktima sa pamamagitan ng text na sobrang sakit ng tiyan at likod niya.

Hindi pa nagtatagal nang balikan ang biktima ng kaibigang si Ong ay nadiskubre na  walang malay, duguan ito na may apat na tama ng saksak sa dibdib at hiwa sa kaliwang pulso kaya’t dinala ito sa Manila Doctor’s Hospital  kung saan ito nasawi.

 

BATAY

ERMITA

FRANZ XAVIER BUSTILLO

HARRY ONG

MANILA DOCTOR

MARIA OROSA ST.

MARIE CLAIRE BUSTILLO

PACIFIC PALLACIDE CONDOMINIUM

SOLAIRE HOTEL

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with