^

Police Metro

2 snatcher utas sa shootout

Ludy Bermudo, Patrick Roy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kapwa hindi na uma­bot ng buhay sa ospital ang dalawang lalaki na nang-agaw ng bag sa customer ng isang computer shop matapos na manlaban sa mga pulis na aaresto sa kanila kamakalawa ng gabi sa Sampaloc, Maynila.

Inilarawan ang isa na nasa pagitan ng edad 30-35, may taas na 5’6”-5’8”, may tattoo na “Bahala na gang”, “Botchok Vidalo” sa kanang balikat,“Bikly Soliven” sa kanang dibdib at “Rey Condenado” sa kanang hita habang ang ikalawa ay nasapagitan ng 25-40 ang edad, may taas na 5’3”-5’5”, miyembro ng Bahala Na Gang, may tattoo na “Edwin Kilay” sa kanang dibdib, “Jonad Ice”  sa kaliwang dibdib at “Otep Lingoten”  sa kanang kilay.  

Batay sa ulat, bago nangyari ang shootout dakong alas-10:20 ng gabi sa harap ng Noypi.com computer shop sa panulukan ng Concepcion at Dapitan Sts., sa Sampaloc, Maynila ay hinablot ng dalawang suspek ang bag ng isang Ricky Olavide, 33, ng Block 82, Lot 23 Mamatid Cabuyao, Laguna habang naglalaro ng online game sa nasabing computer shop.

Mabilis na lumabas ang dalawang suspek na armado ng baril na napansin naman ng mga nagpapatrulyang sina PO3 Jonathan  Sosongco at PO3 Jerrywin Rebossora ng Anti Crime Unit ng MPD Ststion 4.

Nang lalapitan ng dalawang pulis ang mga suspek para sitahin ay tinutukan sila ng baril at tangkang paputukan, subalit naging maagap ang dalawang pulis at inunahan nilang paputukan ang mga suspek na tinamaan sa ulo at dibdib na ikinasawi ng mga ito habang dinadala sa ospital.

 

ANTI CRIME UNIT

BAHALA NA GANG

BIKLY SOLIVEN

BOTCHOK VIDALO

DAPITAN STS

EDWIN KILAY

JERRYWIN REBOSSORA

JONAD ICE

MAMATID CABUYAO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with