^

Police Metro

1 todas, 2 kritikal sa alindog ng GRO

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mistulang naakit sa alindog ng isang guest relation officer ng videoke bar ang dalawang grupo ng kalalakihan matapos na ito ay kanilang pag-agawan na nauwi sa pamamaril na naganap kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Hindi na umabot ng buhay sa Jose Rodriguez Memorial Hospital sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Dominador Ricidoro, Jr., nasa hustong gulang. 

Habang ginagamot din sa naturang pagamutan sanhi ng tama ng bala sa katawan sina Esmeraldo Egos, 62, at Joana Rose Austria, nasa hustong gulang, stay-in GRO sa JJ Videoke Bar sa Phase 4, Bagong Silang, ng naturang lungsod.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga salarin na agad na tumakas matapos ang pamamaril.

Batay sa ulat, dakong alas-11:00 ng gabi ay nag-iinuman ang grupo nina Ricidoro at Egos sa loob ng naturang videoke bar at ka-table ang GRO na si  Austria nang duma­ting ang grupo ng mga suspek.

Isa sa mga suspek ang pinilit si Austria na makipag-table sa kanila ngunit tumanggi ang babae. 

Nagresulta naman sa mainitang pagtatalo nang gumitna sina Ricidoro at Egos.

Nagsialisan naman ang grupo ng mga suspek at nang bumalik ay pawang armado na ito ng mga baril at walang sabi-sabing pinaulanan ng bala ang mga biktima.

vuukle comment

BAGONG SILANG

CALOOCAN CITY

DOMINADOR RICIDORO

ESMERALDO EGOS

JOANA ROSE AUSTRIA

JOSE RODRIGUEZ MEMORIAL HOSPITAL

RICIDORO

VIDEOKE BAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with