Farm owner binoga sa ulo
Joy Cantos (Pang-masa) - November 19, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Isang 73-anyos na farm owner ang nasawi nang barilin sa ulo ng isang lalaki kamakalawa ng gabi sa Brgy. San Roque, Lingig, Surigao del Sur.

Ang nasawi ay kinilalang si Artemio delos Santos Sr.,73, biyudo, residente ng nasabing barangay na nagtamo ng tama ng bala sa likurang bahagi ng ulo.

Sa ulat, bandang alas-8:30 ng gabi nang matagpuan ang bangkay ng biktima ng kanyang anak na si Amar delos Santos sa kanilang bukirin sa lugar.

Sa salaysay ni Amar sa mga otoridad na sinundan niya sa bukid ang ama dahilan sa gabi na ay hindi pa ito umuuwi na hindi naman nito nakagawian.

Laking gulat nito nang matagpuang nakahandusay sa damuhan ang ama na may tama ng bala sa ulo.

 

ARTEMIO BRGY GABI ISANG LINGIG NANG SAN ROQUE SANTOS SR. SURIGAO ULO
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with