^

Police Metro

Magdyowa nagtatalik sa SUV, dakma

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na yata nakayanan ng isang magsyota ang init ng katawan na kanilang nararamdaman, matapos na mahuli ang mga ito na nagtatalik sa loob ng Sports Utility Vehicle, sa Pasay City, kamakalawa ng umaga.

Ang suspect na si Richer Herrera, 37, residente ng No. 16 San Andres, Bukid, Sta. Ana, Maynila, ay sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 7610 o Anti Child abuse law. Ayon sa report ng Pasay City Police-Women and Children’s Protection Desk, alas-5:30 ng umaga  ng dakipin ng mga tauhan ng Police Community Precinct 1 si Herrera at ang hindi pina­ngalanang dalagita sa loob ng kanyang sasakyan habang nakaparada  sa Atang Dela Rama st., sa Cultural Center of the Philippines Complex.

Unang nagsumbong ang ilang concerned citizen sa pulisya na nakakita sa magdyowa na nagtatalik sa loob ng SUV.  Gayunman, ipinagtapat ni Herrera na isang bayarang babae ang 17-anyos na katalik nito at na-pick-up lang niya ito sa Sta. Cruz, Maynila.

Ikinulong sa Pasay City detention cell ang suspect habang ibinigay naman sa Department of Social Welfare and Development ang dalagita para sa kustodiya nito.

vuukle comment

ANTI CHILD

ATANG DELA RAMA

CULTURAL CENTER OF THE PHILIPPINES COMPLEX

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

HERRERA

MAYNILA

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE-WOMEN AND CHILDREN

POLICE COMMUNITY PRECINCT

PROTECTION DESK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with