^

Bakbakan ng 2 angkan: 10 patay

Joy Cantos (Pang-masa) - July 23, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Sa gitna na Ramadan o panahon ng pagtitika ng mga Muslim ay sumiklab ang away ng dalawang angkan na kung saan ay nasa 10 katao na ang nasa­sawi sa Bayang, Lanao del Sur.

Ang clan war sa pagitan ng magkalabang angkan ng Kapal at Macu­gar ay nag-umpisa pa noong Sabado ng umaga at humupa lamang kinabukasan ng hapon.

Sa report ni Sr. Supt.Nixon Mucsan, Provincial Police Office (PPO) Director ng Lanao del Sur, anim namang kabahayan ang sinunog sa dalawang araw na bakbakan ng magkabilang panig sa Brgy. Linao, Bayang na nagresulta rin sa paglikas ng aabot sa 100 residente sa lugar sa takot na maipit sa bakbakan.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nagkrus ang landas ng mortal na magkaaway na angkan na nagresulta sa bakbakan ng mga ito.

Humupa lamang ang tensyon matapos na mama­gitan ang mga lokal na opisyal at magresponde sa lugar ang mga elemento ng pulisya at militar.

Sa pagsisiyasat na puli­tika ang motibo ng bakba­kan matapos na isa sa angkan ng mga Macugar ang matalo noong nakalipas na May 2013 local elections na pinararatangan ang angkan ng mga Kapal ng pandaraya.

 

BAYANG BRGY HUMUPA KAPAL LANAO LINAO NIXON MUCSAN PROVINCIAL POLICE OFFICE SR. SUPT
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with