^

Police Metro

2 pekeng reporter arestado sa kotong

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines -Dalawang nagpakilalang mamamahayag at nananakot na magbubulgar ng anomalya sa isang gobernador at humihingi ng malaking pera ang nadakip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isinagawang entrapment operation.

Ang mga suspek ay kinila­lang sina Dominador P. Narit, Jr., may-asawa at residente ng no. 407 B 2nd St., Sampaloc, Maynila; at Joel N. Yjares, may-asawa, ng  B-18 L-12 Asamba Compound, Baesa, Quezon City.  

Batay sa ulat,  humingi ng saklolo sa NBI ang biktimang si Northern Samar Governor  Paul R. Daza hinggil sa panghihingi umano ni Narit ng P1-milyon.

Una umanong nakilala ni Daza si Narit noong 2012 at nagpakilala na isa siyang “Donmar Jones”, na producer ng GMA-7 at bago umano ipalabas ang expose na may titulong “Las Navas HCAAP issue road anomaly” ay hiniling kay Daza na magkita sila.

Ang nasabing documentary umano ay idaragdag lamang umano sa mga naunang documentary accomplishment ni Daza sa lalawigan.

Kung magbibigay umano ng P1-M si Daza ay hindi na ilalabas sa TV, internet websites at  social media ang expose.

Noong Enero 24, nakatanggap pa ng text message si Daza  at ibinaba ang halaga sa P350,000  at sa paulit-ulit na pag-uusap ay pumayag umano ang suspek na P50-libo kaya napagkasunduan na magkita sa isang hotel sa Pasig noong Enero 31, 2013  kung saan nadakip ang dalawa ng  mga NBI.

ASAMBA COMPOUND

DAZA

DOMINADOR P

DONMAR JONES

JOEL N

LAS NAVAS

NARIT

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NOONG ENERO

  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user