^

PM Sports

Paalam mainit pa rin sa Olympic qualifiers

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Buhay na buhay pa ang pag-asa ni Carlo Paalam na makapasok sa Paris Olympics matapos sumuntok ng tiket sa Round of 16 ng 2nd World Qualification Tournament na ginaganap sa Indoor Arena sa Bangkok, Thailand.

Naitarak ni Paalam ang matamis na resbak kay Shukur Ovenov ng Turkmenistan kung saan nagtala ang Pinoy pug ng unanimous decision win sa men’s 57kg class.

Matatandaang sumuko si Paalam kay Ovenov sa kanilang unang pagtatagpo sa 1st World Qualification Tournament sa Italy dahil may iniindang injury noon ang Pinoy boxer.

Kaya naman inilabas na ni Paalam ang buong lakas nito para makabawi sa Turkmen bet.

“Masaya ako na nakagalaw ako nang maayos. Pagsisikapan ko pa ang sunod na mga laban,” ani Paalam.

Nauna nang tinalo ni Paalam si Alexie Lagkazasvili ng Greece via unaimous decsion sa ope­ning round.

Kailangan ni Paalam na makapasok sa Top 3 upang awtomatikong masungkit ang tiket sa Paris Olympics.

Para magawa ito, kailangan ni Paalam na maipanalo ang kanilang tatlong sunod na laban o makapasok sa finals.

Buhay pa rin si Hergie Bacyadan na nasa round of 16 na rin ng women’s 75kg matapos patumbahin si Dunia Martinez via unanimous.

Kailangan naman ni Bacyadan na umabante sa semifinals upang makapasok sa Paris Games.

Nauna nang umabante sa Paris Olympics sina Eumir Marcial, Nesthy Petecio at Aira Villegas. 

vuukle comment

PARIS OLYMPICS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with