^

PM Sports

Easy waiting

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Para sa Barangay Ginebra sa anim na laban? O hahataw ang Meralco Bolts upang dalhin ang Gin Kings sa deciding Game Seven?

Ito ang larawan sa pagtatapos ng panibagong exci­ting na Ginebra-Meralco playoff showdown.

Habang kukuyakoy-kuyakoy ang San Miguel Beer sa pamamahinga dahil sa maagang pagpasok sa PBA Philippine Cup finals, patuloy ang mainit na salpukan ng Gin Kings at Bolts para idetermina kung sino ang uusad sa title clash kontra Beermen.

Nakabunot ang tropa ni coach Tim Cone ng mala­king turnaround nang mula sa 1-2 deficit, eh naagaw nila ang pivotal 3-2 lead sa race-to-four series.

Siyempre, malaking bentahe na ito para kina Christian Standhardinger at Ginebra teammates.

Pero hindi sila makampante dahil pahirapan bago nila naagaw ang Game Five, 89-84, at ang virtual twice-to-beat advantage tungo sa susunod na laro.

Kinailangan nilang umahon mula sa 15-point hole at makipaglaban ng pitpitan sa endgame bago nakuha ang importanteng panalo.

At malamang na ma­lamang na mas mahirap na laban ang Game Six, lalo na at nagkaroon ang dalawang koponan ng mas komportableng two-day rest.

Ang siste, kung sinuman ang makalusot sa kanilang serye eh, gula-gulanit na sa pagpasok sa finals kontra kina June Mar Fajardo at SMB teammates.

Mukhang piso tamang barko ang odds sa finals – kahit na SMB versus Ginebra o Beermen opposite Bolts.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with