^

PM Sports

Gilas may imbitasyon ng tuneup vs Europeans

Chris Co - Pang-masa
Gilas may imbitasyon ng tuneup vs Europeans
Ang pagdiriwang ng Gilas matapos talunin ang Chinese-Taipe noong Linggo.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Nakatanggap ang Gilas Pilipinas ng imbitasyon para makasagupa ang matitikas na European teams sa tuneup games.

Magandang pagkakataon ito para sa Gilas Pilipinas na maghahanda para sa mas mabigat na laban sa FIBA Olympic Qualifying Tournament na idaraos sa Riga, Latvia sa Hulyo.

Galing ang Gilas Pilipinas sa matamis na 2-0 sweep sa first window ng FIBA Asia Cup 2025 Qualifiers kung saan inilampaso nito ang Hong Kong at Chinese-Taipei sa magkahiwalay na laban.

Kaya naman sesentro na ang atensiyon ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone sa paghahanda para sa Olympic qualifiers.

Inihayag ni Cone na nakatanggap ng imbitas­yon ang Gilas Pilipinas para makalaro ang powerhouse Lithuania, Slovenia at Czech Republic.

Magandang pagkakataon ito para mas lalo pang mahasa ang Gilas Pilipinas bago sumalang sa Olympic qualifying na magiging daan para makapasok sa 2024 Paris Games.

“We got some invitations from Lithuania, Slovenia and Czech Rep. We’re gonna work out through those. We’ll see what we can do,” ani Cone.

Malaking problema lang para sa Gilas Pilipinas ang schedule ng mga players.

Ang mga players sa PBA, NCAA, UAAP at Japan B.League ay binibigyan ng 10 araw para makapag-ensayo kasama ang national team bago ang aktuwal na mga laro.

“It’s not like we can come out and prepare for months or even weeks. It’s just like the agreement is 10 days before we actually play the first game against Latvia,” ani Cone.

Sa naturang 10 araw, nais itong gugulin ni Cone sa pukpukang ensayo o frienly games laban sa mga European teams.

Gayunpaman, nais muna ng Gilas Pilipinas na namnamin ang 106-53 pagwasak nito sa Chinese-Taipei noong Linggo sa Philsports Arena sa Pasig City bago bumalik sa kani-kanyang mga mother teams.  

vuukle comment

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with