^

PM Sports

Gilas handa na sa FIBA ACQ

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bumabagsik na ang Gilas Pilipinas na nasa ilang araw na ng training camp sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

Mas madali ang pagbuo ng chemistry ng tropa dahil naging magkakasama na ang mga miyembro ng Gilas Pilipinas sa ilang nakalipas na torneo.

Dahil dito, optimistiko si Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na magiging malaking bentahe ito ng kaniyang tropa sa oras na sumalang ito sa first window ng FIBA Asia Cup Qualifiers.

Dalawang beses kada araw ang ensayo ng Gilas Pilipinas sa Inspire Sports Academy para maibalik ang connection ng mga players.

Dumating na si PBA Commissioner’s Cup Best Player of the Conference at Finals MVP CJ Perez sa training matapos tulungan ang San Miguel Beer na makopo ang ika-29 korona sa liga.

Wala pang linaw kung sino ang magiging kapalit ni seven-time PBA  MVP June Mar Fajardo na nagpapahinga matapos magtamo ng injury sa Game 4 ng PBA finals.

Sumailalim pa sa pukpukang training camp ang tropa bago bumalik sa Maynila Linggo ng gabi upang ipagpatuloy ang paghahanda nito sa Philsports Arena sa Pasig City.

Magkakaroon ng ensayo ang Gilas ngayong araw sa naturang venue kung saan bubuksan ito sa publiko upang masilayan ng mga fans ang kanilang iniidolong players.

Ito na ang magsisilbing send off bago lumipad ang Gilas para sa unang laro nito kontra sa host Hong Kong sa Pebrero 22 sa Tsuen Wan.

Matapos ang laro sa Hong Kong, babalik ang Gilas sa Maynila para ma­kasagupa naman ang Chinese-Taipei sa Pebrero 25 sa Philsports Arena.

vuukle comment

FIBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with