^

PM Sports

Gray bida sa Gin Kings

Russell Cadayona - Pang-masa
Gray bida sa Gin Kings
Naglambitin sa ring si Ginebra import Justin Brownlee matapos dakdakan si import Wayne Selden ng NLEX.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Sinapawan ni Jeremiah Gray ng nagdedepensang Barangay Ginebra ang eskplosibong PBA debut ni NLEX import Wayne Selden.

Tatlong three-point shots ang isinalpak ni Gray sa huling dalawang minuto ng fourth period kasama ang isa sa natitirang 17.8 segundo para sa 114-111 paglusot ng Gin Kings sa Road Warriors sa 2023 PBA Governors’ Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Tumapos si Gray na may 19 points tampok ang limang triples para sa 2-0 baraha ng Ginebra habang tumipa si import Justin Brownlee ng 44 markers kasama ang dalawang free throws sa natitirang 3.1 segundo ng laro.

Humakot naman si Selden ng 43 points, 7 boards at 6 assists para sa 4-1 kartada ng NLEX.

Isinuko ng Gin Kings ang hawak na 50-39 abante sa second period matapos iposte ng Road Warriors ang 100-88 bentahe sa 8:23 minuto ng fourth quarter.

Ngunit isang 21-8 atake ang ginawa ng Ginebra tampok ang tres ni Gray para sa kanilang 109-108 kalamangan sa natitirang 50 segundo.

Huling napasakamay ng NLEX ang 111-109 abante mula sa 3-point play ni Kevin Alas sa 37.3 segundo kasunod ang tres ni Gray para sa 112-111 pag-angat ng Ginebra sa nalalabing 17.8 segundo.

Sa unang laro, nag­hu­log si  import Jalen Hudson ng game-high na 56 points tampok ang anim na three-point shots bukod sa 12 rebounds at 4 assists sa 128-122 panalo ng TNT Tropang Giga sa Converge.

May magkatulad na 4-1 kartada ngayon ang Tropang Giga at Fi­berXers.­

Humataw si import Jamaal Franklin ng 47 mar­kers kasama ang siyam na triples para sa Converge.

 

vuukle comment

JEREMIAH GRAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with