^

PM Sports

Football sa Pinas

BALL FACTOR - Carmela Villena - Pang-masa

Panahon na naman ng FIFA World Cup ng football na ginaganap ngayon sa Qatar para sa qualifiers na binubuo ng 32 national teams at inaasahang matatapos sa Dec. 18.

Pinakasikat na sport ang football o kilala ring soccer, sa buong mundo pero hindi rito sa Pilipinas.

Iba rin ito sa kinababaliwang American football sa U.S.

Noong bata ako, naglalaro rin kami ng football sa kalye.

Pero ibang football din pala ‘yung nilalaro namin. Na-realize ko, parang baseball lang siya except that instead na bina-bat ang bola, sinisipa ang plastik na bola, kaya football ang tawag namin.

Basketball talaga ang sikat dito sa Pinas. Siguro dahil kahit saan may basketball court or gawa-gawa lang na board at ring.

Sikat ang football sa Bacolod kasi nga nandoon ang Panaad Football Field.

Sumikat lang naman ang football dito noong pumutok ang Azkals nina Phil at James Younghusband.

Kailan at paano kaya mabubuhay uli ang football dito sa atin?

FIFA WORLD CUP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with