^

PM Sports

Fajardo nagwo-workout na

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Higanteng reinforcement ang paparating sa kampo ng San Miguel Beermen sa katauhan ni “The Kraken” June Mar Fajardo na sumali na sa online workouts ng Beermen bilang preparasyon sa PBA Season 46.

Nakilahok na ulit ang six-time PBA MVP sa online Zoom session ng SMBeer bilang pagpapakundisyon nila sa inaasahang pagbabalik-ensayo ng PBA sa Batangas sa kalagitnaan ng Mayo.

Nasa ilalim ng patuloy na recovery si Fajardo matapos madale ng season-ending fractured right tibia injury noong nakaraang taon bago ang 2020 Season.

Hindi nakasama si Fajardo sa PBA bubble sa Clark, Pampanga bunsod ng naturang injury tungo sa quarterfinal exit ng SMB upang mapatid ang limang taon nilang paghahari sa Philippine Cup.

Bagama’t wala pang petsa kung kailan siya makakalahok sa full training at sa mismong mga laro, malaking development na ito para sa 6-foot-10 ace lalo’t patuloy din ang kanyang rehab program.

Inilunsad ng Cebuano pride kamakailan lang ang kanyang sariling clothing line na “Kraken Apparel”.

vuukle comment

JUNMAR FAJARDO

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with