^

PM Sports

Mapapalaban ang Creamline--Alyssa

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Aminado si volleyball star Alyssa Valdez na mapapalaban ng husto ang Creamline sa kanilang title defense sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference na target simulan sa susunod na buwan.

Ngayong magkakasama na sa iisang liga ang pinakamalalakas na koponan, mas matinding pag-subok na ang pagdaraanan ng Cool Smashers para mapanatili ang kanilang korona.

Ngunit hindi nababahala si Valdez.

Masasaya ito na nasa PVL na ang mga teams na dating nasa Philippine Superliga kabilang na ang powerhouse F2 Logististics, Chery Tiggo, Cignal HD Spikers, PLDT Home Fibr at Sta. Lucia Realtors.

Kaya naman mas lalong naging determinado ang kanilang tropa. “Ito ‘yung talagang nagbibigay sa amin ng dagdag na motivation and energy. We take that challenge and looking forward kami na mailabas ‘yung best namin to welcome the new teams,” ani Valdez sa panayam ni Dyan Castillejo. “I guess isa kami sa mga teams na intact din and for the past years, konte lang yung nadadagdag sa amin. So sa scouting, isa kami sa madaling ma-scout na teams,” dagdag Valdez.

vuukle comment

ALYSSA VALDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with