Ang sweet ni Ara Galang
Ang sweet ni Ara Galang
Fergus E. Josue Jr. (Pang-masa) - July 12, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ang sweet ni F2 Logistics Cargo Movers outside hitter Ara Galang nang batiin niya sa social media ang kanyang girlfriend na si Cindy Amutan sa birthday nito noong Biyernes.

Simpleng “Maligayang Kaarawan, Mahal!” ang naging caption ni Galang sa mga litrato ng Cignal HD Spikers libero na pinost niya sa kanyang Instagram page.

Kinilig din si Amutan at napa-comment ito ng: “Thank you mahal ko” at agaran namang sinagot ng volleyball star ng: “I love you.”

Nakibati rin sa espesyal na araw ni Amutan ang mga kakampi ni Galang na sina Des Cheng at Kim Fajardo at si F2 Logistics deputy coach Noel Orcullo.

Huling naka-relasyon ng two-time PSL 1st Best Outside Spiker ang libero ngayon ng Sta. Lucia Lady Realtors na si Bang Pineda na tumagal nang halos apat na taon.  

ARA GALANG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with