Stalzer excited na
MANILA, Philippines — Excited na muling tumungtong sa Philippine volleyball scene ang American opposite hitter na si Lindsay Stalzer sa pagpalo ng 2020 Philippine Superliga (PSL) Grand Prix ngayong buwan.
Ito na ang ikapitong beses na naglaro sa bansa ang 35-taong gulang na skipper bilang import at ngayon ay muli siyang makakatuwang sa kampanya ng F2 Logistics Cargo Movers sa kumperensiyang ito.
“This is my seventh season here and I can’t believe it. I am super excited, I love coming back here and each season is a new challenge, new opportunity but of course, the same goal,” sabi ni Stalzer. “It’s a challenge to figure out the steps towards that goal.”
Unang na-expose sa local volleyball si Stalzer nang maglaro ito sa HD Spikers noong 2014 at muli siyang nagbalik bansa para naman pumalo kasama ang Foton Tornadoes noong 2015 at 2016 kung saan naibulsa nito ang back-to-back championship titles.
Noong 2017 at 2018 ay muling umariba ang PSL Most Valuable Player (MVP) nang tapikin naman siya ng Petron Blaze Spikers para maging isa sa mga reinforcement bago mag-ober da bakod ito sa Cargo Movers noong nakaraang taon.
Malaking pressure ang nakaatang sa balikat ngayon ni Stalzer sa season na ito lalo na’t binago ng pamunuan ng liga ang patakaran nito patungkol sa imports kung saan ay tig-isang guest foreign player na lamang ang bawat koponan.
Pero kahit nag-iisa lang siyang import ay masuwerte pa rin siya dahil alam niyang mas matutulungan siya ng tropa na mas batak at mas buo ngayong import-laden conference na ito.
“With only one import, there’s a lot of pressure on that one import. Fortunately for me, I think I have a great backup and a great team behind me, picking me up and pushing me in each game,” dagdag niya. (
- Latest