^

PM Sports

Kyrie Irving matetengga rin

Pang-masa
Kyrie Irving matetengga rin

MANILA, Philippines — Sigurado nang walang maaasahan ang Brooklyn Nets sa injured na si Kevin Durant ngayong season at mukhang wala rin silang masyadong maaasahan sa kanilang star free agent na si Kyrie Irving.

Sinabi ng Nets point guard sa mga reporters noong Sabado na nagpaturok siya ng cortisone sa kanyang balikat na na-injury noong Dec. 24 at mare-reassessed siya pagkalipass pa ng dalawang buwan. Ang tanging magandang balita ay maaaring hindi na siya sumailalim sa arthroscopic surgery kung saan maaari siyang mawala ng 3-4 buwan.

Naiulat na hindi maganda ang kondisyon ng balikat ni Irving dahil hindi niya ito maitaas para itira ang bola dahil sa bursitis.

Hindi magandang balita ito para kay Irving at sa Nets. Mas lalo na nga-yong pag-iisipan ang pagpatol ni Irving sa kanyang mga fans na nagsasabing duwag ito kaya hindi naglalaro.

Mainit si Irving sa kanyang unang 11 games sa Nets kung saan nag-average ito ng career highs sa points (28.5), assists (7.2) at rebounds (5.4) sa 11 games.

Maaaring isipin ng marami na ang pagkawala ng dalawang malalaking players ng Brooklyn ay makakaapekto sa kanilang tsansa sa playoffs pero alalahanin na ang Nets pa rin ang No. 7 seed sa Eastern Conference sa kanilang 16-17 record.

Ito ay kahit hindi kumpleto ang kanilang line-up kaya marami ang naniniwala na may laban pa rin ang Brooklyn kahit mawawala si Irving.

Huling lumaro si Irving noong Nov. 14 at tila mawawala ito hanggang sa huling bahagi ng February o maaaring out na sa season kung ooperahan siya.

vuukle comment

KYRIE IRVING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with