^

PM Sports

Supremacy or redemption

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

May improvement ang Meralco sa ceiling at wing spots sa pagpasok ni Raymond Almazan at Allein Maliksi pero nadagdagan din ang bangis ng Barangay Ginebra sa katauhan ni Stanley Pringle.

Ang katanungan ay mayroon bang magiging pagbabago sa resulta ng ikatlong pagtatagpo ng Barangay Ginebra at Meralco sa PBA Governors Cup finale.

Ginebra ang sumungkit ng korona sa unang da-lawa nilang pagsasagupa sa Finals pero hindi na-ging madali ang daan ng Gin Kings patungo sa rurok ng tagumpay.

Noong 2017 finale, kinailangan ng Ginebra ang full seven-game series upang isukbit ang panalo. Noong 2016, buzzer-beating three-pointer ang kinana ni Justin Brownlee sa Game Six upang tapusin sina Allen Durham at ang Meralco Bolts.

Hindi naman sumuko si coach Norman Black kay Durham na muli niyang sinandalan para sa mu-ling pagsampa sa Governors Cup finals.

Kaya may tsansa sina Durham at Bolts para sa redemption.

Samantalang may tsansa sina Brownlee at Gin Kings na palawigin ang kanilang supremacy.

Medyo naging matumal ang takilya ng PBA pagkatapos ng Gilas World Cup debacle, pero inaasa-han ang muling pagtangkilik ng mga fans sa salpukan ng Ginebra at Meralco.

Out of the picture ang San Miguel Beer na naunsyami ang grand slam bid. Ganoon din ang Magnolia na mabilis natapos ang Governors Cup title reign. At ganoon din ang TNT KaTropa na natapon ang hangarin na ikalawang sunod na pag-usad sa PBA finals.

‘Di nagbunga ang magandang panimula ng magagaling na imports na sina KJ McDaniels, Dez Wells, Manny Harris at Michael Qualls.

At sa bandang huli, ang dating magkaribal na sina Brownlee at Durham pa rin ang magsasalpukan sa finals na magsisimula Jan. 8 sa Smart Araneta Coliseum.

vuukle comment

ALLEIN MALIKSI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with