Back-to-back para sa NU Pep Squad
Ang winning form ng NU Pep Squad sa UAAP Cheerdance Competition.
PM photo ni Jun Mendoza
Back-to-back para sa NU Pep Squad
Paul Jerome Carpio (Pang-masa) - November 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ipinakita ng nagdedepensang National University ang kanilang bangis sa likod ng mga makapi­gil hi­­ningang stunts at pam­bihirang sayaw para ma­sungkit ang korona sa Season 82 UAAP Cheerdance Competition kaha­pon sa MOA Arena sa Pa­say City.

Kinumpleto ng NU Pep Squad ang kanilang pa­giging back-to-back tit­lists matapos itala ang 722 total score.

Kinuha rin ng NU Pep Squad ang mga Best Toss, Best Py­ramid at Best Stunt Awards.

“There is no such thing as an easy journey.” wi­ka ni NU Pep Squad coach Ghicka Bernabe

“Isang mahirap at exciting journey for NU Pep Squad. Lahat siguro ng mga bata is worth it iyong pinagpaguran,” dagdag pa nito.

Ito ang ikaanim na ko­rona ng NU Pep Squad ka­­sama ang ‘four-peat’ no­ong 2013-2016, habang ki­napos sila noong 2017 at mu­ling nagwagi noong 2018 at 2019.

Hindi naman nagpahu­li ang FEU Pep Squad (706) na may temang ‘Michael Jackson’ para sa first runner-up trophy.

Nakopo rin ng FEU Pep Squad ang Best Pana­lo Move Award at first runner-up sa Group Stunts category.

Tumapos na second runner-up ang A­damson Pep Squad (658.5) at na­­sungkit din ng se­cond run­ner-up sa Group Stunts category.

Nasa ikaapat ang UST Salinggawi Dance Troupe (650) kasunod ang UE Pep Squad (645), UP Pep Squad (622.5), Ateneo Blue Babble Batallion (593) at La Salle Animo Squad (577.5).

 

NU PEP SQUAD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with