^

PM Sports

Motolite lalapit sa semis

Pang-masa

MANILA, Philippines — Palalakasin ang kani-lang semifinals bid ang target ng Motolite sa pagbangga nito sa BaliPure Water Defenders sa pagpapatuloy ng Premier Volleyball League (PVL) Season 3 Open Conference ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Magtutuos ang dalawa bandang alas-2 ng hapon at susundan ng bakbakang Choco Mucho Flying Titans at Philippine Air Force Lady Jet Spikers sa alas-4 ng hapon.

Gagamiting inspiras-yon ng Motolite ang hu-ling tagumpay nito matapos takasan ang top two seed na PetroGazz Angels noong Miyerkules, 22-25, 25-13, 25-16, 16-25, 15-11 para maging palaban patungo sa Final Four.

Napatatag din ng Motolite ang kapit nito sa ikaapat na puwesto ng standings tangan ang 8-5 na kartada sa ilalim ng BanKo Perlas Spikers (9-5), PetroGazz (9-3) at Creamline (12-0).

Ipaparada uli ng tropa sina Tots Carlos, Isa Molde, Bern Flora, Myla Pablo, Jessma Ramos, Thang Ponce at mga beterano na sina Myla Pablo, Fhen Emnas at Iris Tolenada.

Bagama’t laglag na sa liga, pakay pa rin ng Water Defenders na madagdagan ang kanilang panalo para mapaganda ang placing nito sa torneo.

Papasok sa laro ang BaliPure na mataas din ang kumpiyansa matapos madagit ang ikaapat na panalo sa 14 na asignatura nang nakawin nito ang 25-23, 12-25, 27-29, 25-23, 15-11 win kontra sa Philippine Air Force noong Oktubre 6.

Muling ibabandera ng Water Defenders sina Grace Bombita, Menchie Tubiera, Vira Guillema, Shirley Salamagos, Miracle Mendoza at Satrianni Espiritu. (FJ)

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with