^

PM Sports

Pinaghahandaan na ng Ginebra at Blackwater ang 3rd Conference

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Nagdesisyon na ang Barangay Ginebra at Blackwater na simulan na ang preparasyon para sa PBA third conference kasabay ang kanilang kampanya sa kasalukuyang Commissioner’s Cup.

Kaya sa resumption ng Commissioner’s Cup pagkatapos ng PBA All-Star Week, si Justin Brownlee na ang import ng Ginebra samantalang si Henry Walker na ang reinforcement ng Blackwater.

At mananatili ang dalawang import sa PBA hanggang sa susunod na conference.

Palaisipan pa sa Phoenix Petroleum ang kanilang diskarte kung ire-reactivate pa ba nila si James White o tuluy-tuloy na nilang ilalaro si Eugene Phelps.

Ang kasalukuyang estado ni Phelps ay temporary sub samantalang nasa injured list si White.

“Pang-third conference talaga si Eugene Phelps pero kailangan namin tingnan ang sitwasyon ni White,” ani Phoenix coach Louie Alas.

Patungo sa All-Star break, tangan ng Phoenix ang 3-2 win-loss record matapos talunin ang Barangay Ginebra, 103-98 sa double-overtime battle noong nakaraang gabi.

“Ang bigat ng laban namin (against Ginebra) at pagkatapos eh mas sobrang mabigat ang lalaruin namin,” ani Alas tungkol sa kanilang susunod na laro kontra sa San Miguel sa May 30.

Mahigit na isang linggo ang panahon para pag-isipan ng Fuel Masters kung sinong import ang isasagupa sa San Miguel Beer. Siguradong lubhang mahirap kalaban ang SMB ngayon dahil hindi pa nananalo sa tatlong laro.

***

Samantala, Rain or Shine (5-1), Alaska Milk (4-1) at TNT KaTropa (4-1) ang nakakuha na ng magandang puhunan sa mga unang sultada ng se-cond conference.

Isa o dalawang panalo lang at baka lusot na sila sa quarterfinals.

Pareho nang sa all-Filipino conference ang format ng second conference. One round robin at ang apat na kulelat ang hindi mapapasama sa playoff round. Ang top two ay tatangan ng twice-to-beat advantage kontra No. 7 at No. 8 sa quarterfinals samantalang best-of-three ang paglalabanan ng No. 3 versus No. 6 at No. 4 versus No. 5. 

vuukle comment

BASKETBALL

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with