_pang-masa
^

PM Sports

Cocolife pasok sa semis

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nasungkit ng Cocolife Asset Managers ang ikatlong semifinal slot matapos padapain ang Cignal HD Lady Spikers, 25-22, 25-21, 28-26 kahapon sa quarterfinals ng 2018 Chooks to Go-Phi-lippine Superliga Grand Prix sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Hindi na pinagbigyan nina Serbian imports Marta Drpa at Sara Klisura ang Lady Spikers at tuluyan na nilang tinapos ang kanilang pag-asa kahit tangan pa nila ang twice-to-beat bentahe.

Umani si Drpa ng 19 puntos habang 16 naman mula kay Klisura sa ma-laking panalo para sumama sa Petron Blaze at F2 Logistics sa best-of-three semifinal series.

Dahil sa panalo, tumapos ang Cocolife sa ikatlong puwesto at makakaharap ang No. 2 Petron Blaze Spikers sa semis na magsisimula bukas sa FilOil Flying V Arena.

Sa iba pang semis match, makakaharap naman ng top seed at ang nagdedepensang F2 Logistics ang mananalo sa quarterfinal match ng Foton Tornadoes at Sta. Lucia Lady Realtors na naglalaro pa habang sinusulat ang istoryang ito.

“Yes, yes. I’m ready for the semifinal battle against Petron,” sabi ni Cocolife coach at Serbian Moro Branislav.

Kahit nanalo sila sa straight sets lamang, mas gusto pa ni coach Bra-nislav na sana nandoon din sina import Sonja Milanovic at head coach Edgar Barroga.

Si Milanovic ay nagtamo ng sprained right ankle na nakuha niya sa laro nila laban sa Generika-Ayala habang si Barroga ay head coach din ng National University boys volleyball team na sa ngayon ay naglalaro sa 2018 Palarong Pambansa sa Vigan City, Ilocos Sur.

“Believe me, I like it better if Milanovic played. It’s a total different psychology for Cignal,” dagdag ni Branislav.

COCOLIFE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with