^

PM Sports

Narvasa nag-resign na

RCadayona - Pang-masa

Vargas bagong PBA Chairman

MANILA, Philippines — Ilang minuto bago ang opening ceremonies para sa 43rd Season ay pormal nang isinumite ni Chito Narvasa ang kanyang resignation letter bilang Commissioner ng Philippine Basketball Association kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Ito ang inihayag ng PBA Board of Governors sa isinagawa nilang press conference.

“This morning he (Narvasa) submitted his re-signation which was effective today, thanking the PBA,” sabi ni PBA Board incoming chairman Ricky Vargas ng TNT Katropa. “And we thanked him also for enduring the board meeting and all of his contributions to the PBA.”

Si Vargas ang papalit kay Mikee Romero ng Globalport habang si Ramoncito Fernandez ng NLEX ang susunod na PBA chairman.

Sa tuluyan nang pagbaba sa puwesto ni Nar-vasa ay inihayag ng PBA Board ang paghirang kay longtime media bureau chief Willie Marcial bilang officer-in-charge (OIC) hanggang makahanap na ng bagong Commissioner ang liga.

Idinagdag ng PBA Board na mananatili pa rin si Narvasa bilang PBA Commissioner hanggang sa Dis-yembre 31 ng taong ito bago humalili si Marcial sa Enero ng 2018.

“However, the board in a resolution passed today, asked Chito Narvasa to stay until Dec. 31, 2017, to help us during the transition,” sabi ni Vargas.

Nahati ang PBA Board dahil sa pagpayag ni Nar-vasa na matuloy ang trade sa pagitan ng San Miguel at Kia bago ang pagdaraos ng 2017 PBA Rookie Draft.

Ibinigay ng Beermen sina Ronald Tubid, Jay-R Reyes, Rashawn McCarthy at isang 2018 draft pick sa Picanto para makuha ang hawak na No. 1 overall pick.

Ginamit ito ng San Miguel para mahugot si 6-foot-8 Fil-German Christian Standhardinger.

‘Di nagustuhan ng majority block, binubuo ng TNT Katropa, Meralco, NLEX, Rain or Shine, Alaska, Blackwater at Phoenix, ang naturang desisyon ni Narvasa kaya inendorso sa PBA Board na huwag nang bigyan ng panibagong kontrata ang dating PBA head coach.

Kinampihan naman si Narvasa ng minority group, kinabibilangan ng San Miguel, Barangay Ginebra, Magnolia, Globalport at Kia.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with