^

PM Sports

AMA Online uli ang unang pipili

Pang-masa

MANILA, Philippines — Hawak ulit ng AMA Online Education ang pagkakataon na pumili ng maituturing na best ta-lent mula sa kabuuang 201-man rookie pool sa 2017 PBA D-League Rookie Draft ngayong araw na ito sa PBA Cafe sa Metrowalk, Pasig.

Pinangungunahan ng hardworking big man na si Andre Paras, may tsansa si coach Mark Herrera-na palakasin ang roster ng Titans para sa 2018 PBA D-League Aspirants’ Cup.

Sa ikalawang sunod na taon, ang AMA ang may hawak ng first overall pick  matapos piliin bilang top overall  pick si Jeron Teng noong 2016 rookie draft.

Sina University of the East top gun  Alvin Pa-saol at Far Eastern University forward Arvin Tolentino ang dalawa sa pinakamatunog ang pangalan para maging top pick sa draft.

Nakatakdang magbukas ang 8th season ng PBA D-League sa Enero 18, 2018.

Kasunod ng AMA at may hawak ng second pick ang Wangs Basketball-Letran at pangatlo naman ang Batangas-Emilio Aguinaldo College.

Labing-isa sa 13 koponang kalahok ngayong taon ay pawang mga school-based teams na naghahanda para sa susunod na collegiate basketball season  na kinabibilangan ng Zark’s Burgers-Lyceum of the Philippines University, Gamboa Coffee-St. Clare, Jose Rizal University, Centro Escolar University, Akari-Adamson, Che’Lu Bar and Grill-San Sebastian, University of Perpetual, at Go for Gold-College of St.Benilde.

Tanging ang Marinerong Pilipino at newcomer Mila’s Lechon ang walang mga varsity players sa kanilang line -up.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with