^

PM Sports

3 boxers lalaban para sa gold

Pang-masa

Kuala Lumpur – Target  ng big three sa amateur boxing sa pangunguna ni two-time champion Mario Fernandez ang gintong medalya sa finals ng boxing competition sa 29th Southeast Asian Games sa Malaysia International Trade and Exhibition Center (MITEC) dito.

Inaasahan ni Fernandez ang kanyang pangatlong sunod na gintong medalya sa kanyang pakikipagsagupa kay Chat Butdee ng Thailand sa bantamweight division.

Susunod naman si Eumir Felix Marcial kontra kay Pathomsak Kuttiya ng Thailand sa middleweight class.

Huling aarangkada ang Filipino-British na si Marvin John Tupas laban kay Adli Hapidz Bin Mohd Fauzi ng host Malaysia sa light heavyweight class.

Ayon kay Alliance of Boxing Association of the Philippines (Abap) executive director Ed Picson, kabisado na ni Fernandez ang kanyang Thai na kalaban kaya sabik na sabik na ito sa kanyang laban.

Si Marcial na ipinagpaliban ang qualifying para sa 2020 Tokyo Olympiad para lamang sa pagdedepensa sa titulo ay dating flyweight nang lumaban pa ito noong 2011 Junior World Championships sa Astana, Kazakhstan at umangat sa lightwelterweight sa 2013 Asian Amateur Boxing Championships sa Subic Bay kaya malaki ang kanyang tsansa laban sa kanyang kalaban na Thailander.

Kahit ano ang mangyari, ang tatlong boksinge-ro na sina Fernandez, Marcial at Tupas ay nakasiguro na ng silver medal sa kani-kanilang magka-hiwalay na weight division. Sina Charly Suarez, Carlo Paalam at Ian Clark Bautista na lang ang hindi pa nakakausad sa finals.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with