^

PM Sports

Foton masusubukan ng Japan squad

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kahit wala ang star player na si Dindin Santiago-Manabat, nanatiling malakas ang kumpiyansa ng Foton Tornadoes laban sa guest team na Kobe Shinwa Women’s University sa pagsisimula ng final round ngayon ng Belo-Philippine Superliga (PSL) Invitational Conference sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Unang makakaharap ng pumangatlong Tornadoes ang inaasahang malakas na Japanese team sa alas- 7 ng gabi habang magsasagupa naman ang top team Petron Blaze at pumapangalawang Cignal HD sa alas- 5 ng hapon.

Sa unang laro sa alas-3 ng hapon, magtutuos ang Generika-Ayala at Sta. Lucia Realty para sa classification phase ng torneo na sinusuportahan ng Asics, Mikasa, Senoh, Mueller at TV5, ang opisyal broadcast partner.

Pinangunahan ng Petron Blaze ang elimination round ng torneo na sinusuportahan din ng UCPB Gen, official insurance provider at Gold’s Gym, official fitness partner, bilang undefeated team sa kanilang 5-0 win-loss kartada at pumangalawa ang Cignal HD sa 4-1 card kasunod ang Foton sa 3-2 record.

Sabi ni Foton coach Moro Branislav, inaasahan niyang mag-i-step-up ang ibang mga beterano sa kanyang koponan para mapunuan ang pagkawala ni Manabat dahil sa left knee injury at malaki ang maitutulong ng familiarity ng korte at suporta ng hometown crowd.

“I’m sure, it’s going to be a good match and a close game against the Japanese team. Dindin Manabat is very important to the team. But, in her absence the rest of the team will  step-up. I’m still very confident with our team,” sabi ni Branislav sa press conference kahapon sa Robinsons Magnolia-Aurora Mall.

Inilarawan naman ni Kobe Shinwa head coach Kiyokazu Yamamoto na ang kanyang koponan ay hindi masyadong matatangkad ngunit malakas sa serve at reception.

Ayon naman kay Kobe Shinwa team captain Chihiro Fujiwara na isang middle blocker, excited na silang maglaro dito sa Pilipinas at alam niyang lahat ng tatlong koponan na kanilang makakalaban ay puro malalakas.

Pagkatapos ng laban nila sa Foton mamayang gabi, hahamunin naman ng Shinwa University, third placer sa 2016 Kansai Area University Volleyball League, ang Cignal HD bukas at kontra sa top team Petron Blaze sa Sabado sa parehong venue.

vuukle comment

DINDIN SANTIAGO-MANABAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with