British Rider nagpasiklab sa Le Tour Stage 1
SORSOGON City, Philippines — Pinakitaan ni British rider na si Daniel Whitehouse na kumakarera para sa Terengganu Cycling Team ang mga bigating riders sa Le Tour de Filipinas nang kanyang pangunahan ang Stage One para sampolan ang mga dating kampeon na sina Mark Galedo ng Philippines at Thomas Lebas ng France.
Si Whitehouse na produkto ng hinahangaang British cycling program ay nagpasiklab sa 164.50-kilometer stage na pinakawalan sa Embarcadero seaside ng Legaspi City at nagtapos dito.
Ang 22-gulang na si Whitehouse ay nagsumite ng oras na 3-hours, 56-mi-nutes at 16 seconds para hawakan ang yellow jersey na simbolo ng general classification (GC) leadership ng karera na handog ng Air21. Siya rin ang Sprint, King of the Mountain at Best Young Rider (Under-23) ng unang stage.
“‘I’m not good at sprints, so I waited for the climb and made my move,” sabi ni Whitehouse na mag-isang tumawid ng finish line.
Taglay ni Whitehouse sa 177.35-km Sorsogon to Naga City Stage Two ngayon ang one minute at 51 seconds lead sa pumapangalawang Australian na si Benjamin Hill (Attaque Team Gusto) na nauna sa sprint finish laban sa mga bigating sina Japanese Ryu Suzuki (Bridgestone Cycling Team) at Salvador Guardiola ng Spain (Team Ukyo).
Nagparamdam naman si Lebas, nabigong ipagtanggol ang kanyang 2015 noong nakaraang taon nang mag-crash ito, sa pamamagitan ng pagkapit sa malaking second group na nagtangkang humabol kay Whitehouse sa final 50 kms. Ngunit nagbigay daan ang Frenchman sa kanyang Kinan Cycling teammate na si Jai Crawford at nagkasya sa sixth place.
Hindi nakasama si Galedo, 2014 champion, sa top 10 ngunit ang kanyang 7 Eleven Roadbike Philippines teammate na si Edgar Nohales ay pumasok sa No. 8.
Hindi makapedal si Galedo tulad ng kanyang ginawa para manalo ng gold noong 2013 Southeast Asian Games at Le Tour de Filipinas tatlong taon na ang nakakaraan at tumapos na pang-13th kasama si Japanese Yasuharu Nakajima (Kinan). Sabay sila hanggang sa halos last 60 ng karera at tumawid ng finish line na may 9:12 minutong layo kay Whitehouse.
Naging aktibo ang peloton paglagpas pa lang ng 10 kilometers kaya nagkahiwahiwalay ito na umabot sa 10-km stretch, kung saan naiwanan sa hulihan ang mga Pinoy riders.
- Latest