^

PM Sports

UAAP swimming, taekwondo action lalarga na

Pang-masa

MANILA, Philippines – Umaasa sina reigning MVPs Jessie Lacuna at Hannah Dato na maigigiya nila ang Ateneo sa pagkumpleto sa isa na namang championship double sa pagsisimula ng UAAP Season 79 swimming competitions ngayon sa Rizal Memorial Swimming Pool.

Target ng Blue Eagles, kumabig ng 563 points para makamit ang ikalawang sunod na men’s crown sa nakaraang season, ang kanilang pang-apat na titulo sa kabuuan sa nasabing four-day meet.

Muling aasahan ng Ateneo si Lacuna, dating Olympian na humakot ng pitong golds noong nakaraang taon, bukod pa kina Aldo Batungbacal, sumira sa long-standing 1,500-meter freestyle record na itinala ni National University tanker Cesar Palacios (16:55.53) sa kanyang bagong markang 16:49.89 sa nakaraang season at Axel Ngui.

Sasandal din ang Ateneo kina Dato at Raegan Gavino, hinirang na Rookie of the Year noong 2015 season.

Sa juniors division, hangad ng Ateneo ang patuloy na pagdomina sa boys division sa likod ni Rafael Barreto, nagtala ng bagong record sa boys’ 50-meter freestyle sa kanyang 24.43 noong nakarang taon para burahin ang dating 24.87 ni Ryan Papa na inirehistro noong 1989.

Hangad naman ng UST Tigers na ipagpatuloy ang kanilang pamamayani sa taekondo competition na magbubukas ngayon sa Blue Eagle gym.

Bubuksan ang four-day competition opens ng poomsae event kung saan ang Tigers, na pangungunahan nina veteran internationalists Joce-lyn Ninobla at Rodolfo Reyes Jr., ay naghahangad ng ikatlong titulo sa loob ng apat na taon.

Ang men’s at women’s sparring naman ay gaganapin bukas sa parehong venue.

vuukle comment

MVPS JESSIE LACUNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with