URCC mapapanood sa ABS-CBN
Joey Villar (Pang-masa) - April 2, 2016 - 10:00am

MANILA, Philippines – Nakipagtambal ang Uni­versal Reality Combat Championship, ang unang mixed martial arts pro­motion sa Southeast Asia, sa television giant na ABS-CBN para maisa­ere ang mga laban sa free channel.

Pinormalisa nina UR­CC founder Alvin Aguilar at ABS-CBN head for integrated sports Dino Laurena ang kanilang part­nership kung saan ma­giging official TV carrier ng URCC ang television network.

“We’re excited to ha­ving partnered with a lea­ding television station like ABS-CBN and we hope this will be the start of something bigger not just for URCC but Philippine MMA as a whole,” sabi ni Aguilar.

Bilang official broadcast partner, dadalhin ng ABS-CBN Sports and Ac­tion at ng ABS-CBN Sports and Action HD Ch166 ang mga URCC events.

Sisimulan ito ng UR­CC 27: Rebellion sa Abril 23 sa Marriot Grand Ballroom sa Pasay City.

Apat na championship belts ang ilalatag sa UR­CC 27 ‘Rebellion’ sa Abril 23 sa Marriot Grand Ballroomin.

Ito ay babanderahan ng ikalawang pagdede­pen­sa ni Deftac fighter Reydon ‘Red’ Romero sa kanyang featherweight title laban kay South Korean Do Gyum Lee.

Nauna nang tinalo ni Romero si Malaysian Jian Kai Chee noong Hul­yo.

Samantala, tatangkain naman ni CJ de Tomas na maagaw ang flyweight crown mula sa nagtatanggol sa koronang si Japanese Hi­deo ‘Death from Tok­yo’ Morikawa.

 

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with