^

PM Sports

Umpisa na ang giyera ng Cignal at Air Force

Pang-masa

LARO NGAYON

(The Arena, San Juan)

1 p.m.- PLDT Home Ultera vs Navy

3 p.m.- Air Force

vs Cignal HD TV

 

MANILA, Philippines – Bubuksan ngayon ng Cignal HD TV at ng Philippine Air Force ang kanilang best-of-three championship series para sa Spikers’ Turf Season 1-Reinforced Conference na inihahandog ng PLDT Home Ultera sa The Arena sa San Juan City.

Magtutuos ang HD Spikers at ang Raiders sa Game One ngayong alas-3 ng hapon matapos ang laro ng PLDT Home Ultera Ultrafast Spikers at Navy Sailors para sa third place trophy.

Tinalo ng Cignal HD TV ang PLDT, 25-22, 21-25, 25-23, 11-25, 15-8, habang dinaig ng Air Force ang Navy, 25-15, 20-25, 29-27, 24-26, 15-12 sa semifinals para itak-da ang kanilang cham-pionship duel.

Nauna nang tinalo ng Raiders ang HD Spikers, 22-25, 18-25, 25-20, 21-25 noong Oct. 17  sa elimination round.

Muling ipaparada ng Air Force ang attacking combo nina Jeffrey Malabanan, Rodolfo Labrador, Reyson Fuentes at Ruben Inaudito na humataw ng 17 at tig-16 hits, ayon sa pagkakasunod, para ta-lunin ang Navy.

Matapos namang matalo sa Raiders ay tatlong sunod na panalo ang itinala ng HD Spikers, kabilang dito ang paggiba sa Ultrafast Spikers, ang Open Conference champion.

AIR FORCE

ANG

CIGNAL

GAME ONE

HOME ULTERA

HOME ULTERA ULTRAFAST SPIKERS

JEFFREY MALABANAN

NAVY SAILORS

OPEN CONFERENCE

PHILIPPINE AIR FORCE

REINFORCED CONFERENCE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with