^

Tamaraws vs Eagles

Russell Cadayona (Pang-masa) - November 20, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Bago pa man nila patalsikin ang De La Salle University sa huling araw ng elimination round ay may paghahanda nang ginawa ang Far Eastern University laban sa Ateneo De Manila University.

Ipinakita ito ng Tamaraws sa 71-68 pagsibak sa Green Archers kung saan nakabangon sila mula sa 12-point deficit sa fourth quarter noong nakaraang Miyerkules.

Isa si Monbert Arong, tumapos na may 13 points, sa mga players na inaasahan ni coach Nash Racela na kanyang masa-sandalan sa Final Four laban sa Blue Eagles.

“You’ll never know when you need them. I think we saw that the players were ready and they stepped forward,” wika ni Racela.

Lalabanan ng No. 2 FEU ang No. 3 Ateneo ngayong alas-3:30 ng hapon sa Final Four ng 78th UAAP men’s basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.

Bitbit ng Tamaraws ni Racela ang ‘twice-to-beat’ advantage kontra sa Blue Eagles ni mentor Bo Perasol na kanilang tinalo ng dalawang beses sa eliminasyon, 88-64 at 66-61.

Muling aasahan ng FEU sina Mike Tolomia, Mac Belo, Roger Pogoy, Russell Escoto at Raymar Jose katapat sina UAAP back-to-back Most Valua-ble Player Kiefer Ravena, Von Pessumal, Matt Nieto, Aaron Black at Arvin Tolentino ng Ateneo.

Nakalasap ang Blue Eagles ng 69-74 kabiguan sa sibak nang University of the East Red Warriors noong Nobyembre 14 na tumapos sa kanilang five-game winning streak.

Samantala, sasagupain bukas ng UST, may hawak na ‘twice-to-beat’ bonus, ang defending champion na NU.

AARON BLACK ACIRC ARVIN TOLENTINO ATENEO ATENEO DE MANILA UNIVERSITY BLUE EAGLES BO PERASOL DE LA SALLE UNIVERSITY FAR EASTERN UNIVERSITY FINAL FOUR GREEN ARCHERS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with